Tuesday, September 19, 2006

Focus. Kaya mo yan, Joy. Go lang ng go.

Gusto ko mag-masters sa ibang bansa. Narinig mo yan, world? Gusto ko mag-masters. Pag sinabi ko ng ilang beses, magkakatotoo na siya. Naniniwala ako na makakalakad din ako sa kalye ng Paris. Narinig mo yan, Pranses? Sige pa, ano pa? Naniniwala ako na matutugtog ko ng maayos at marangal ang As Times Goes By sa piano. Na makaka-serve ako ng maayos sa tennis. Na balang araw, makikilala ko rin ang sarili ko.

Kaya for now, tiis lang. Tiisin mo ang mga kalungkutan, tiisin mo ang mga discontentment, tiisin mo ang sandamakmak na cognitive dissonance na nararamdaman mo kapag mag-isa ka lang at may pagkakataong magmuni-muni. Tiisin mo ang confusion, ang paulit-ulit na tanong na "Why? Why? Why? O Why?" Tiisin mo lang dahil one day, it will all end. Di ka na magtitiis. Hindi na.

Isipin mo na lang na may patutunguhan din ang lahat ng ito. Parang mga maliliit na bato na bubuo ng isang bundok, o buhangin na bubuo ng dalampasigan, o tubig sa La Mesa Dam.

This, too, shall pass. This, too, shall pass.

Focus, Campilan. Go for the platinum. Wag matatakot. Wag matatakot. Wag matatakot.

7 Comments:

Blogger lakambini said...

fighting! :) we're cheering you at the sidelines dear.

9:49 AM  
Blogger La Belle Joie said...

fighting till the bitter end mare! haha, wow di ko alam may personal cheerers pala ako, ahaha! Don't worry mare, chinicheer din naman kita! See you at the finish line (this means rurok ng tagumpay, hindi kamatayan ha! hahaha!)

1:37 PM  
Blogger r a i s s a said...

"Aja! Aja! Fighting!", sabi nga sa mga Korean dramas. :) Kaya mo yan, Joy. Go lang ng go. :)

11:17 AM  
Blogger La Belle Joie said...

tama! aja! ikaw din gurl! aja! walang susuko! walang magku-quit! fighting! say it with me: "I can do this!" hehe!

11:21 AM  
Blogger r a i s s a said...

(says it together with joy) "I can do this!" hehehe

5:57 PM  
Anonymous Pamy said...

Hey! Makiki-cheer lang din ako :)

Of course you can do it. At sana makasama ka rin namin maging sa Paris o kung saang lupalop pa.

***

Wow, it's been some time (nearly two months from the yearbook claiming). Of course, other than seeing Ina everyday, I saw J-Anne recently at the MORES congress.

Haaay, I should see you all again.

7:36 PM  
Blogger La Belle Joie said...

pamy! ano na ang mga latest happening sa yo?? we really should all have like a monthly get-together or something. kelangan natin ng emotional support, parang Researcher Anonymous group, ahahahaha! Cheer din kita! Baka unahan mo pa nga ako sa Paris! :)

10:38 AM  

Post a Comment

<< Home