Friday, October 13, 2006

Liham ng Pakiusap

Dear Miss na natutulog sa balikat ko,

Hi, hello. Uhm, ang bigat mo. Teka nga, bakit ka ba sumasandal sa balikat ko? Close ba tayo? Magkakilala ba tayo? Friendship ba? E di ba nakasabay lang naman kita sa FX? Bakit feeling close ka na agad? At tsaka, 7:00 lang ng umaga, naka-uniform ka pa nga e. Di ba dapat alive, alert, awake, enthusiastic ka? Ni hindi pa nga lumulubog ang araw (or sumisikat for that matter). Napuyat ka ba? Wish ko lang dahil nag-aral ka sa exam mo mamaya, hindi dahil nag-date kayo ng boyfriend mo. Kaya ka ba nagka-cram kanina at nilabas mo yung notebook mo? Tsk tsk tsk, miss, bilang isang graduate ng Cram Institute, maniwala ka sa akin: that's not going to help you. Trust me, beterano na ako sa mga ganyang gawain. At puro pagdurusa lang ang natamasa ko sa pagiging crammer ko. Change now, before it's too late. Sabi nga ni Og Mandino sa The World's Greatest Salesman, "I will develop good habits and be a slave to them." Cramming is not a good habit, ergo, don't develop it.

Pero maiba nga tayo, hindi naman talaga yan ang point e. Ang point ay masakit na ang balikat ko. Natitiis mo ba ni binubutas ng matulis kong shoulder blade ang gilid ng ulo mo habang ikaw ay nanaginip dyan? Hindi ka ba nasasaktan? Sabagay, sabi nga nila ang cranium daw ng tao ang pinakamatigas na buto sa lahat. Aba, dapat lang, dahil kung hindi baka naka-drill na ako ng manhole sa gilid ng ulo mo. Ano ba, miss, hindi mo ba talaga kayang mag-stay na gising? Hindi ba umi-epek ang kurot? Gusto mo ba bigyan kita ng kutsilyo at kalamansi parang si Don Juan? Ano bang maitutulong ko para hindi ka magmukhang katawa-tawa? Alam mo kanina pa ako umuusog dito sa upuan ko. Naiirita na nga ata sa akin yung katabi ko sa kabila kasi feeling niya sinisiksik ko siya. Ang totoo nyan, masakit na talaga balikat ko sa iyo. Hindi ka ba naaawa sa akin? Sa mga panaginip mo ba, wala bang boses na nagsasabi sa iyong, "ang aga aga namimerwisyo ka!"

Miss, hindi ako masamang tao, dahil kung masama ako, kanina ko pa nanakaw yung N70 mo. Ano ka ba miss! Alam mo ba kung magkano yan?? Bakit mo nilalabas ng basta basta lamang, tapos natutulog ka pa. E kung hablutin ko yang bag mo sabay talon palabas ng FX e di iiyak ka dyan? Alam mo bang pinag-iipunan ko nga yung 3250 Music Xpress lang, tapos ikaw may N70. Lupit mo ha! Siguro pinapanakaw mo talaga yan, para mabilhan ka ng magulang mo ng N93. Ganun na lang ba kadaling mamulot ng pera? Sobra to!

Ayan, miss, nagagalit tuloy ako. Ikaw kasi, namamaga na nga balikat ko, inaasar mo pa ako sa carelessness mo. Kaya maraming nananakawan e! Alam mo kung ako may N70, bukod sa hindi ko siya ilalabas, e ikakadena ko ba sa loob ng bag ko. Kung pwede ngang lagyan nung nadevelop sa Inglatera na screaming chip na kung saan ay sumisigaw yung phone pag hinablot, nilagyan ko na rin. The last thing I will do with it is to throw it carelessly inside my bag and then sleep my head off, and in the process annoying the wits out of a struggling proletariat who have bills to pay and have to labor, labor and labor.

Miss, wag mo sanang pepersonalin to. Gusto ko lang namang mapabuti ka bilang isang tao. Estudyante ka pa lang, marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. Finish school and reach your potentials. Kaya mo yan. Pull yourself together okay? Okay? Okay!

Nagfifeeling na kaibigan,
Struggling Proletariat with a sore shoulder thanks to you

Labels:

15 Comments:

Blogger lakambini said...

(ano ba yan, nabura yunguna kong comment.)take 2:

sana hinablot mo na nga yung bag niya at tumalon palabas ng FX!! :D i would've paid to see that hahaha!

ano ba yun N70?

o mare, ingatan ang altapresyon. masyado pa tayo bata. hehe.

(don't even get me started on cramming...*grumble, grumble, grumble*)

1:43 PM  
Blogger La Belle Joie said...

gurl, the Nokia N series showcases some of the most technologically advanced cellphones ever in the history of mankind, hehe. Di mo ba napapanood yung commercial ni Gary Oldman (si Sirius Black sa Harry Potter)? Cool talaga yun, gusto ko nga ng N90, hehehe. Yung tipong pwede ka nang gumawa ng pelikula sa phone, lupet talaga, heheh.

Hemmingway,talagang gusto ko nang turuan ng leksyon yung babaeng yun. Kaasar siya ha. Yan tuloy kelangan ko ng uminom ng monitoring pill para sa hypertension ko, heheh.

1:49 PM  
Blogger raissa said...

Natawa talaga ako sa post na ito, promise! :D Minsan nakakatulog din ako while going to work pero I'm really veyr cautious not to lean on another person's shoulder... nakakahiya eh and hassle for them, very uncomfortable di ba?

Nakakatawa how things change when you turn proletariat. Makes you realize the value of almost all things hehehe

1:06 PM  
Blogger La Belle Joie said...

totoo. when you work for every cent, you value all things, haha. Pero I must admit, shopaholic pa rin ako. Kahit window shopping lang, hahahaha.

Pero I can live without careless people like this gurl, hahaah!

1:37 PM  
Blogger Ina said...

hahahaha joy nakakatawa ka! sobra ka siguro sa asar at nailathala mo pa talaga lahat ng detalye ng pagka-asar mo sa post na 'to!

pareho kami ni raissa...ako din no tulog na tulog sa mrt ARAW-ARAW...pero hindi mo siguro ako kasing-kaaasaran dahil maingat naman ako sa gamit ko hahahaha. besides, my phone doesn't even have a camera.

sana talaga ninakaw mo na lang phone niya, kahit joke lang, tapos at the end of the day, text mo siya na napulot mo lang sa loob ng fx at ipasundo mo diyan sa office mo. pra naman matuto siya no. next time ha?

11:46 PM  
Anonymous Pamy said...

Nakakatawa/tuwa nga naman ang entry na 'to. Love how your imagination ran wild out of your frustration with her. Hehe.

12:47 AM  
Anonymous Pamy said...

Oh yeah, Gary Oldman was very attractive in that ad..."All the world is a stage" :)

12:49 AM  
Blogger La Belle Joie said...

ina: hay naku, wag na siya ulit magpapakita sa akin dahil I will steal her phone for reals, haha! Kamusta ang El nido? ang saya ha!

pamy: Gary Oldman knows how to grow old gracefully, heheh. Muntik na nga magturn yung thoughts ko from wild to sheer violence sa woman na yun, hehehe!

11:49 AM  
Anonymous Arthur said...

Panalo ito! Hahaha!

11:28 AM  
Blogger La Belle Joie said...

oi arthur francis, paano mo nahanap to ha? patay kelangan ko nang imonitor ang mga entries ko, ahahaahah!

9:38 AM  
Anonymous Arthur said...

Ano ba yan, di na nga ako naglagay ng link nakilala pa rin. Hahaha! Simple lang, I went to Google, typed "Victorette Joy" and clicked Search. Voila! Ikaw ang lumabas. Hahaha! Ano ka ba, panalo nga e. Wala naman akong pagsasabihan. Haha!

4:34 PM  
Blogger lakambini said...

mag update ka naman ng blog. suportahan mo anman ang project chin's blog rescusitation project. hehehe

5:38 PM  
Blogger La Belle Joie said...

arthur: sobra na tong google na to! Lupet! Oist, wag mong pagsasabi ha??

Tin: Sorry repapip ha, sobrang swamped ako ng work kasi, huhuhu. Ganyan talaga pag nilalayasan ang trabaho, hehe. Pero siyempre suportado ko ang PCBR! :)

11:08 AM  
Anonymous Arthur said...

Madame Joy,

Asan na ang My Sassy Girl? Huh? Hahaha! Sayang gusto ko pa naman mapanood. Haha!

4:39 PM  
Blogger La Belle Joie said...

hay naku repapips, iniluksa ko rin ng hindi gumana yung CD sa bahay. nakakaasar, ang hirap pa namang hanapin ng My Sassy Girl. Titingnan ko pag may kopya pa ung mga room mates ko. Pagka meron, aba siyempre may kabayaran, nyahahahaha!

12:51 PM  

Post a Comment

<< Home