Que horreur!
Ano ba to, parang sinasapian ako ng "Ayokong Magsulat sa Blog" Virus, kaakibat ang "Wala akong ganang magsulat at minsan ay tinatamad na altogether" Syndrome. Eto ba ang mga nakuhang disease ng mga wayward bloggers na kinakampanya namin ni Tintin? Ano ba yan, tin, sasama na ata ako sa mga iko-code red. Heto nga nagpupumilit ako kahit papaano. Dapat nga ikwento ko ang mga Bangkok at Davao escapades ko kaya lang talagang I'm out of gas. Ewan ko ba. Sabi nga ni Atticus Finch sa To Kill A Mockingbird (kasalanan mo to Francis!), you'll never know a person unless you climb into his skin (or shoes ba?), and walk around with it. Now I know kung bakit naga-AWOL ang mga Wayward Bloggers, Inc. Wala lang, nakakatamad lang talaga. At nakakapagod ang buhay. At minsan, hindi interesante.
Muling nabuhay ang Classic Film bug na nanalaytay sa ugat ko (kasalanan mo talaga to Francis). Napanood ko kasi yung 1962 na movie version ng To Kill A Mockingbird. Pinakapaborito ko kasi yung novel na yun ni Harper Lee. Kahit nga required reading yun nung highschool talagang kinarir ko. E sa maganda naman talaga siya e. Si Atticus na ata ang pinaka-mabait at moral na abogado sa kasaysayan ng mga fictional characters (at baka sa totoong buhay na rin, hahaha!). Maganda din yung movie (crush ng nanay ko si Gregory Peck nung haiskul siya, ano ba yan), kaya lang siyempre hindi naman talaga niya makukuha ang grandeur ng libro. Parang gusto ko tuloy hanapin yung Citizen Kane ni George Orwell at yung Psycho ni Alfred Hitchcock. Hindi ko makita sa Quiapo. Pano kasi, lingon ako ng lingon sa likod ko. Baka kasi mag-raid e hindi ako mabilis tumakbo.
********
Labels: arts, internal turmoil


4 Comments:
hi missy
your birthday's
this month
right? :)
i love to kill a mockingbird! (siyempre umiyak ako nung binabasa ko haha)just got to read the novel this year at por dat, mahal ko na si atticus. gusto ko siya maging tatay. pramis. waaaah! ...at parang naiinis ako na isa lang talaga yung pinublish ni lee na libro.
me movie na pala yun?
hoy mare, nakikisympathize ka jan sa mga code red Wayward Bloggers ha. gamitin natin yan sa pag devise ng mas effective campaigns sa susunod. huwag na huwag ka lang bumigay ng todo sa virus. don't go to the dark side joie! keep your blog[ging spirit] alive!
"Baka kasi mag-raid e hindi ako mabilis tumakbo."
hehehe. sabi na kasing kelangan talaga ireform ang copyright system natin eh. tsk, tsk. ;)
p.s. bakit ka pagod? dahil ba sa jetsetting life/trabaho? ;)
*evil laugh* Mwahahahaha!
I love the book very much, kaya nung nakita ko yung VCD sa Nat'l Bookstore na may price tag na P100..di ko na binitawan. Hahaha!
I enjoyed reading the book more than watching the movie. Medyo inantok ako dun sa first parts nung movie pero nagustuhan ko na yung court scenes. Hehe.
hey tintin! yupyup, unfortunately it is my birthday this month, huhuhu. I hate getting old!
hey lakambini tintin! Dapat magtayo tayo ng To Kill A Mockingbird Fan Club, ahahaha. I will try my very best to keep out of the dark side, nyahahaha!
Repapips arthur, gusto ko din yung movie kasi nakakatawa si Dill dun. Kuhang kuha yung Dill sa libro wahahaha. Tsaka crush nga ng nanay ko si Gregory Peck, hehehe.
Post a Comment
<< Home