Friday, October 30, 2009
I have made my Multiply blog my permanent abode of words. Just cause I have settled over there quite nicely. I suppose this would be my last post in this blog unless a cyber typhoon comes and destroys my Multiply. Ciao.
Tuesday, February 19, 2008
Left behind
Disappointment is such a strange feeling. It feels as if you'll never be happy again or excited again or anything really. I suppose it's better than utterly failing or being rejected altogether. It's just as if the moment was stolen from right under your feet. And now you realize you're walking on air, albeit not in a good way. Suddenly, everything that you've depended to be there, isn't there. The moment is not really lost, sure you can recapture it again, but it's not quite the same. The recaptured moment seems less fascinating, less appealing, less riveting than the original. It feels as if it has passed you by but returned completely changed. You try to reignite the same excitement, the same aura that you once felt towards it, but they're gone. And so now you only have the moment without everything that it once represented.
I suppose if I were to survive in the real world, I should steel myself against disappointments. Because they will come. In hordes, actually. But the feeling never loses its potency. I've had my share, but everytime it still stings. No one can be quite immune against it. So I guess I'm just going to have to take this one and endure through it.

Labels: general life
Monday, February 11, 2008
Take me home, country road
It’s ten minutes to ten o’clock at night. After a couple of minutes of rolling about in my bed, and a few rounds of rubik’s cubing, in which sleep still managed to elude me, I resorted to dragging my dad’s laptop out of his backpack. And here I am now, staring at the blinking cursor and then typing these words. Whatever for, is there anything substantial that I can say at this hour, at this state? Not particularly. I suppose I am here seeking solitude in words and the meandering of thoughts.
There is no particular drama in my life at the moment, no conflict or sorrows compelling enough to make me bleed my emotions on a virtual page. But no matter. I guess the fact that I am not in a super-introspective mood is worthy enough of a celebration. I’ve been thinking too much for someone supposedly young and has her life ahead of her. I’d do anything to get this brain to relax. If only I’d spend as much time thinking of world peace and doing good for others, my life would be better off. But no, all I can think about is who I am, where I should go, what should I do.
It’s funny, I went into the ministry thinking I could make a difference. Maybe if I could indulge in something that is far beyond myself, I would be able to get some meaning out of life. But all there is is this huge sense of loss. I am at loss. I thought it would at least calm my wandering thoughts and emotions, and yet it hasn’t. More than anything, entering into the ministry has taught me that it could never be enough for me. Shame, it is probably the noblest thing that I will ever do in my life. To think that I am engaged in the betterment of souls, in the eternal salvation of lives, in such grand words as national transformation, I must be crazy to feel this disinterested and dispassionate. I don’t know what I am looking for, but whatever it is, it is not here.
I don’t know what to do or what to say to God. I wonder, does he understand me? Does he know that it’s nothing personal, that I still believe in him, in his words, in his love? Does he know where I’m coming from? I wonder, do I make him hopelessly sad? Maybe I’m the one who doesn’t understand, maybe I don’t really get it; that for all my academic achievements, I’m really just a slow learner in things that matter.
But I do know that I cannot live like this forever – so indifferent and so unfeeling. This is not how it’s supposed to be. I know how it feels to be on fire, to be motivated, to be inspired. I know, and that’s why I must leave. What good is someone who does something without heart? You can only make him do something to a point, and then he can no longer go on.

Labels: internal turmoil
Friday, February 01, 2008
Mahirap maging isang langgam
Ang sabi sa amin ng aming pastor, ang tao ay parang isang langgam na nakakulong sa ant glass. Ang tanging alam niya lang ay ang kanyang ginagawa. Ang tanging nakikita lamang niya ay ang nasa harap niya. Ang tanging nakakasalimuha niya ay ang mga malalapit niyang kasamahan. Ang buhay niya ay napapaloob sa isang parisukat, malaking malaking parisukat para sa isang langgam ngunit parisukat pa rin.
Buti na lang may mapa ako kahit papaano.
Buti na lang may mapa ako kahit papaano.
Labels: general life
Thursday, September 13, 2007
A new blog post from me? What a miracle!
Na-convict ang aking maliit na puso nung sinabi saken ni tintin minsan na siya ay nag-aaral sa law school and working at the same time at nakukuha niyang magblog. Whereas ako? Lazy bum na nga di pa makapagblog. Hindi ko kaya ang conviction sa puso ko kaya eto napabukas ako ng di oras ng blogger account ko.
Wala naman kasing masyadong nangyari sa buhay ko these past few months. Puro na lang trabaho, trabaho ng trabaho. Fine may lagalag din namang nangyayari but still! Hay naku. Una sa lahat, unti-unti nang naglalaho ang mga favorite TV shows ko. Tapos napilitan pa akong pumunta sa Baguio para sa isang workshop about communication and research. Naisip ko lang sa sarili ko, hindi pa ba sapat ang apat na taong pagdurusa para mag-aral ng communication research? Kulang pa ba? Ayaw ko na sanang dalawin pa ang madilim na landas ng research ngunit ayun nadalaw ko talaga. Naka-compose nga ako ng mga tula dahil sa kagustuhan kong aliwin ang sarili ko. Mga tulang tulad nito:
Kung sakaling isang araw
Makita mo ako sa dalampasigan
Wag mo na akong lapitan
Please lang.
Deep di ba? Ano ba yan. Hindi pa ako sure na maii-stalk ko si Roger Federer ngayong Nobyembre sa Malaysia. Wala na bang natitirang ligaya sa mundo ko?

Thursday, April 12, 2007
Dear Miss na siningitan ako sa Pila ng FX terminal,
Miss, alam mo ba ang konsepto ng pila? Obviously hindi, so tutulungan kita. I will give you the privilege of learning Pila 101 straight from me. Handa na ba ang notebook at ballpen mo? Baka naman may Blackberry ka pa, pwede rin. Pakirecord na lang kung nakokornihan ka sa konsepto ng pagsusulat.
Ang sistema ng pila ay operationalization ng "First come, First serve(d)." No more, no less. Pag nauna ako sa pila, ibig sabihin mas may opsyon ako sa iyo na mamili ng pwesto ko sa FX. Ergo, kung gusto kong umupo sa natitirang pwesto sa harapan, wala kang magagawa, ok? Kahit umiyak ka ng dugo, unless maawa ako sa iyo. Yun lang ang opsyon mo, naiintindihan mo?
Ngayon, ating siyasatin ang iyong ginawa kanina. Nasa likod kita, in-overtake mo ako para makaupo sa unahan. Is there something wrong with this picture? Sige nga isipin mo. Sige, kaya mo yan. The answer starts with an "e". Sirit na? "Everything." Everything was wrong with that picture.
Miss, naiintindihan ko kung naka-skirt ka at ayaw mo nang umupo sa likuran. Sa kasamaang-palad puno na rin yung gitna. Anong magagawa natin? Sadyang ganyan ang kapalaran. Alam ko, mahirap ang bumaba na nakaskirt, pero miss e di sabunutan mo kung sino man ang nagdesisyon sa uri ng inyong uniporme sa kumpanya mo. Aba, pati ba naman yan proproblemahin ko pa?
Ang sa akin lang miss sana wala namang ganyang uri ng sorpresa. Aba, napakabilis mo naman gumalaw. One minute nasa likod kita, a microsecond after aba nasa unahan ka na. Flash... is that you? Bilib ako at hindi mo naramdaman ang init ng aking laserbeam habang tinititigan ko ang likod mo. Feeling ko sa sobrang sidhi ng pagka-asar ko, wala pang isang minuto liliyab ka na. Buti na lang at puyat ako, kaya siguro walang masyadong energy.
Ewan ko ba miss, araw-araw na lang nakaka-enkwentro ako ng mga katulad mo. Mga deadma, kebs, gagawin-ko-ang-lahat-maging-akin-ka-lamang, ano-aangal-ka, wala-akong-pakialam-sa-tama-o-mali. Mga ayaw mag-abot ng bayad sa dyip na umuupo naman sa may likuran ng driver, mga bus driver na ayaw itabi ang bus pag bababa na ang pasahero, mga taxi driver na ayaw manukli at ginagawang dahilan ang walang kamatayang, "wala akong barya," mga jeepney driver na ang lakas-lakas ng tugtog ng hiphop na musika tapos pag sumigaw ka ng "para!" ibaba ka sa kabilang kanto na, and so on and so forth.
Bakit miss, bakit gusto mong matulad sa kanila? Don't you want to be in good company? Bakit hinahayaan mong makisabay ka sa agos ng kawalan ng disiplina? Huli na ba ang lahat?
O ayan, bell na. Tapos na ang klase. Sana may natutunan ka. Sana hindi tayo ulit magkasunod sa pila dahil flash or no flash, papatirin kita.
Class dismissed,
Justice League

Wednesday, April 11, 2007
Dear Manong Taxi Driver na Nanghihingi ng dagdag na bayad sa nakatala sa metro,
Manong, wats up? Bakit naman ganyan agad ang hirit niyo? Ni hindi ko pa nga naipapasok buong katawan ko sa taxi e hiniritan niyo na agad ako ng pang-aabuso. Time out naman mehn. Araw-araw na nga tayo parehong inaabuso ng mga pulitikong nagkukunwariang sila ang ating mga bagong bayani, nakikidagdag pa kayo. Bakit naman, manong? How did it come to this?
Sabi niyo trapik kasi kaya sana dagdagan ko na lang yung bayad ng kahit sampung piso. Wait lang manong ha, tingnan natin yung lohiko ng iyong sinabi. Hindi ko alam na binabayaran na pala ngayon ang trapik. Ano yan, E-VAT? Manong naman! E di ba tumatakbo pa rin naman yung metro kahit nakahinto yung sasakyan? Kaya nga napapakagat-kuko yung mga pasahero pag naiistuck sa trapik kasi tiyak mahal bayad niyan. Tapos papadagdagan niyo pa? Manong, alam niyo po ba ang konsepto ng metro? Ha?Ha?Ha??!
Tapos buti kung nakapaka-ayos niyong mag-drive. Aba, daig niyo pa ang teen-ager na nakainom. Ano ba yun! Manong, tayo po ay nasa pampublikong kalsada, hindi race track. Hindi po ferrari ang inyong sasakyan. And what's more, mga tao po iyang sinasagi-sagi niyo. Yes, human beings. May buhay po sila. Hindi po sila roadblock. Husme manong, nagkaroon bigla ako ng motion sickness sa pinaggagawa niyo.
Buti kung yan lang ang mga pagkukulang niyo e. Subalit bakit hindi niyo naman alam kung paano pumuntang city hall ng Mandaluyong? Why? Bakit po ako ang tinatanong niyo? Aba, kung hindi lang nakadikit sa leeg ko yung ulo ko e hindi ko na alam kung saan napunta. Ganyan po kalala ang aking sense of direction. E kung sabihin kong pupunta akong Mars, tatanungin niyo rin po ako kung saan yun? Manong, mehn, it's time to change. Ang inyo pong trabaho ay dalhin ang mga tao sa kanilang patutunguhan, hindi iwala. Or patayin for that matter.
Hay manong, bakit tayo nagkakaganito? Ano po ba ang problema? Bakit po kayo nang-aasar ng mga pasahero? Dahil po ba sa temperatura? Hindi po ba kayo binabayaran ng maayos ng boss niyo? Naiintidihan ko manong, lahat po tayo ay may mga sari-sariling pagdurusa, pero sana naman po wag nating kalimutan ang tama sa mali. Manong, listen to your heart. What would your mother say? What would Jesus do? Why does the sun go on shining?
Ayan manong konti na lang ay makakapagtula na ako. Pasalamat ka manong pagod na pagod na rin ako at wala ako sa mood na sabunutan kayo. Sa susunod, magdala kayo ng mapa ng Maynila.
Hope to never be sideswept by you,
Annoyed Passenger